Inireklamo ng mga Pinoy sa Philippine Embassy sa Roma, Italy ang mataas na presyo ng passport renewal ng 3rd party entity na ‘BLS’.
Ayon sa nagreklamong si Cecilia Hernandez, pinili niyang mag-book sa nasabing E-Passport Renewal Center (PARC) dahil hindi siya makakuha ng i-slot sa embassy. Subalit laking gulat niya nang malamang halos triple ang dapat na bayaran.
Base sa website ng BLS International, ang isang aplikante ay kailangang magbayad ng orihinal na presyo ng pagre-renew ng passport sa halagang 54 euros, kasama ang passport revolving fee at convenience fee. Kung saan aabot sa 93.50 euros ang kabuuang babayaran.
Sinabi naman ni Philippine Ambassador sa Italy, Domingo Nolasco na mandato ito ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Samantala, patuloy na nanawagan ang mga Pinoy sa naturang embassy para sa mas abot kaya at maaasahang serbisyo ng nasabing 3rd party entity. —sa panulat ni Airiam Sancho