Inilunsad ng Commission on Elections (Comelec) ang isang plataporma na magkakaloob ng libreng livestreaming ng e-rallies para sa may 2022 National and Local polls.
Ang campaign S.A.F.E Comelec e-rally channel sa Facebook ay magbibigay ng e-rally airtime sa lahat ng kakandidato sa pagka-Pangulo, bise presidente, Senador, at party-list organizations.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, mag-iisyu ng guidelines ang komisyon kung paano lalahok ang mga kandidato at party-list organizations sa nasabing e-rally channel.
Aniya, ang naturang plataporma ay makatutulong lalo na sa mga kandidatong kakaunti lamang ang followers.
Nakatakdang simulan sa February 8, 2022 ang livestreaming ng e-rallies tuwing gabi sa official social media accounts ng Comelec.
Ang schedule ng e-rally timeslots para sa presidential candidates at vice presidential bets ay 10 minuto na may tatlong slots kada gabi.
Sa senatorial candidates at party-list organizations ay tatlong minuto at limang slots kada gabi habang 10 minuto at tig-tatlong slots kada gabi naman para sa political parties.