Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue o BIR na bukas nang muli ang kanilang electronic registration system ngayong araw.
Ayon sa BIR, ito’y matapos maisaayos ang ilang usaping teknikal sa kanilang e-reg system.
Dahil dito, maaari na muling kumuha ng tax identification number o TIN gamit ang internet.
Partikular na mapagsisilbihan ng online registration ng BIR ay ang mga individual tax payers kabilang na ang mga self employed tulad ng mga single proprietors at professionals.
By Jaymark Dagala