Nagsimula na namang maglitawan ang E-sabong ng mga gagamba sa Pilipinas.
Ayon sa ilang manlalaro, umaabot sa libo-libong piso ang kanilang ipinupusta sa laro.
Nakakatanggap din sila ng bitamina para sa kanilang mga alagang gagamba.
Babala naman ng PNP sa mga naglalaro, na iligal ito sa ilalim ng PD 1602 dahil anumang laro na may pustahan ay maituturing na Illegal Gambling.
Sinumang mahuhuling naglalaro ay tiyak na may kakaharaping kaso.