Nasa P380-K ang tinangay ng isang lalaki mula sa isang E-sabong outlet Sa Rosario, Cavite.
Kinilala ni Rosario Municipal Police Chief, Col. Ruther Saquilayan ang suspek na si Christian Rodriguez, 40- anyos na isang contractor.
Ayon kay Saquilayan, tatlong beses umanong natalo si Rodriguez at inabot ng P200-K ang itinaya nito kaya’t hinoldap na ang nasabing outlet.
Noon anyang Huwebes ay isinangla pa ni Rodriguez ang kanyang motorsiklo sa supervisor ng betting station at nang hindi payagan ay naglabas ng baril ang suspek at tinutukan ang teller.
Bukod sa panghoholdap, inireklamo rin ang suspek ng mga nagpapagawa sa kanya ng bahay dahil iniiwan nitong naka-tengga ang mga proyekto bukod sa pag-dispalko ng mga advance mula sa mga customer.
Pinaghahanap na ng mga otoridad si Rodriguez na kasalukuyang nahaharap sa kasong Robbery.