Handa na ang Department of Energy na ilunsad ang programang electric tricycle o E-trike sa lumalawak na mga tourist area at economic zone.
Ayon kay Departmen Undersecretary Donato Marcos, interesado ang pamahalaang lokal ng palawan na maging kabahagi ng nasabing programa.
Bukas, aniya, ang ahensya para sa mga local government unit na gamitin ang nasabing E-trike program sa pagpapalago ng kanilang turismo.
Sinabi rin ni Marcos na kanilang iaalok ang e-trike program sa mga paaralan at kabahayan.
Layon, aniya, ng DOE ang paunang labas ng may tatlong libong e-trike sa NCR, Region 4-A, at Region 4-B bago ang buwan ng Mayo ngayong taon.
By: Avee Devierte