Magsisimula ng mag byahe ang electric passenger tricycle o e- trike sa Quezon City simula sa Lunes.
Ayon kay Quezon City Department of Public Order and Safety Dr. Elmo San Diego, mula sa Kalayaan Avenue ay maari nang sumakay sa limang e-trike patungo sa Maginhawa Art and Food Hub.
Kung magiging matagumpay ang byahe ng naturang mga e-trike ay dadagdagan pa ito ng 15 units pa ng Quezon City local government.
Sa Maynila una nang nag deploy ng 50 mga e- trikes kapalit ng mga tradisyonal na tricycle na naglalayong mabawasan ang gas emission.
By Rianne Briones