Pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang byahe ng mga tricycle, pedicab at e-trike sa lungsod.
Ito’y sa ilalim ng pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito ay para magkaroon ng alternatibong transportasyon ang mga manggagawa lalo na ang medical frontliners sa lungsod.
Samantala, ipinabatid ni Moreno na nasa 400 tauhan ng Manila traffic and parking bureau ang magsisilbing COVID-19 marshals na siyang sisita sa mga lalabag sa umiiral na quarantine protocols.