Kinumpirma ng National Telecommunications Commission na hindi magagamit ang gcash account kapag na deactivate na ang isang unregistered sim card.
Gayunman, nilinaw sa DWIZ ni NTC Deputy Commissioner John Salvahan na hindi naman mawawala ang laman ng gcash ng isang hindi nairehistrong sim card.
Dahil dito, pinayuhan ni Commissioner Salvahan ang mga may-ari ng unregistered sim cards na makipag-ugnayan sa kanilang telcos para maayos ang Gcash account.