Nag-abiso na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamunuan ng Emilio Aguinaldo College (EAC) na huwag nang gamitin ang kanilang gusali na naapektuhan ng lindol kahapon.
Ipinabatid ito ni DPWH Secretary Mark Villar na nagsabi ring pinalilikas na nila ang mga occupant sa nasabing pasilidad.
Kinordonahan na rin ng DPWH ang lugar para maiwasan ang dagdag pang pinsala sakaling may bumagsak na debris mula sa gusali ng EAC.