Itinalaga si Noli Eala bilang bagong Philippine Sports Commission (PSC) Chairman sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang inanunsyo ng Palasyo kagabi sa pamamagitan ng letter na may lagda ni Executive secretary Vic Rodriguez.
Dati nang tanyag ang pangalan ni Eala sa mundo ng sports.
Si Eala ang ika-6 na Commissioner ng Philippine Basketball Association mula 2003 hanggang 2007.
Naging Radio Sports broadcaster rin ang bagong PSC chair sa programang power and play.
Siya rin ang tiyuhin ng Tennis sensation na si Alex Eala na inirerepresenta naman ang bansa sa mga International Tournament gaya ng SEA Games.
Pinalitan ni Eala ang dating PSC chair na si William “Butch” Ramirez na malaki ang naging bahagi sa sunud-sunod na tagumpay sa palakasan sa mga nagdaang taon, kabilang ang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz sa 2020 Tokyo Olympics. —sa panulat ni Hannah Oledan