Nasikwat ni Alex Eala ang second-round ticket sa W60 Grenoble tournament matapos ang panalo kontra sa Swiss na kalaban sa France.
Naselyuhan ng 16 anyos na atleta ang kanyang unang round nang pabagsakin si Joanna Zuger ng Switzerland sa set na 6-4, 6-1, noong Martes ng gabi sa round of 32.
Ang tagumpay ay naging marka sa pagpasok nito sa main draw matapos ang serye ng qualifiers para sa Women’s Circuit.
Ang W60 Grenoble ang pangalawang $60,000 event ni Eala pagkatapos niyang magsimulang sumali sa mga Pro noong 2020.