Gagamit na ng refrigerated container van ang East Avenue Medical Center (EAMC) na magsisilbing morgue para sa nasabing coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, lima lamang ang kapasidad ng morgue ng EAMC kaya’t nagtabi-tabi ang mga labi na nasa stretcher nang umabot ito sa mahigit sa 15 nitong nakalipas na linggo.
Sinabi ni Duque na agad nyang pinuntahan ang EAMC matapos mag-viral ang post hinggil sa nakatambak umanong mga labi ng COVID-19 patients sa EAMC.
Batay anya sa paliwanag ng pamunuan ng ospital, hindi naman nagtambak kundi nasa stretcher at pinagtabi-tabi nila dahil kulang na sa espasyo ang ospital.
Iginiit ni Duque na walang direktiba ang Department of Health (DOH) na huwag i-report ang bilang ng mga nasasawing pasyente sa COVID-19.
Napag-alaman na hanggang kaninang umaga, nasa siyam na lamang na labi ang hindi pa nakukuha ng kamag-anak sa EAMC.