Gumagawa na ng sulat ngayon ang Department of Education para isumite sa Senado kaugnay ng posisyon nito sa panukala ni Senadora Grace Poe na agahan ang Christmas Break ng mga estudyante.
Ayon kay Assistant Secretary Tonisito Umali, batay sa isinagawa nilang pag aaral, hindi ito kakayaning ipatupad ngayong taon.
Naka-kalendaryo na kasi, aniya, sa Abril 7 ng susunod na taon ang pagtatapos ng klase dahil Abril 9 ay Mahal na Araw na habang Abril 17 naman ang pagsisimula ng summer classes.
Maliban dito marami na rin aniyang mga araw na lumiban sa klase ang mga bata dahil sa mga nakalipas na sama ng panahon.
Gayunman tiniyak ni Umali na hindi nila isinasara ang pintuan para sa panukalang paagahin ang Christmas Break.
Maaari pa rin, aniya, itong muling pag usapan sa mga susunod na taon.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal