Ilalarga na ng Department of Education (DepEd) ang kanilang early registration para sa School Year 2020-2021.
Ayon sa DepEd, layon nitong tiyaking maitatala ang lahat ng mga batang papasok sa paaralan mula kinder, grades 1, 7, at 11 mapa-pampubliko man o pribado.
Malaking tulong din ang early registration para sa mga kabataang nagnanais magbalik eskuwela matapos mahinto sa pag-aaral dahil sa iba’t ibang dahilan.
Sisimulan ng DepEd ang early registration mula Pebrero 1 at tatagal naman hanggang sa Marso 6 ng taong kasalukuyan.