Iniurong sa Abril ng Department of Education (DepEd) ang early registration para sa school year 2021-2022.
Ito, ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, ay kasunod na rin nang pagbabago sa school calendar noong isang taon.
Sinabi ni Mateo na ang orihinal na petsa ng early registration ay noon pang Enero subalit dahil sa naantalang pagsisimula muli ng mga klase noong nakalipas na taon ay ginawa na lang itong Marso.
Subalit ipinabatid ni Mateo na Abril na ang bagong target nila kaya’t hinihikayat nila ang mga magulang na maagang i-enroll ang kanilang mga anak.
Ikinakasa ang early registration para matiyak na naitatala, ang mga papasok na Kindergarten, Grades 1, 7 at 11 learners sa public at private elementary at high schools sa buong bansa.