Iginiit ng Department of Education o DepEd na hindi na ito tatanggap ng mga estudyante na gustong mag-enrol sa senior high school o SHS program.
Ito, ayon kay Education Secretary Armin Luistro, ay dahil opisyal nang nagsara ang registration period.
Giit ni Luistro, wala nang extension ng early registration upang masigurong walang delay at magkaroon ng smooth implementation ng programa sa June 2016.
Nilinaw naman ng DepEd chief na wala pa itong datos kung ilang mga estudyante ang nagpa-enrol dahil ini-encode pa ang mga report mula sa mga school division sa iba’t ibang panig ng bansa.
By Jelbert Perdez