Mas magiging makahulugan ang pagdiriwang ng Earth Day ngayong taon dahil sa napakagandang kalidad ngayon ng hangin sa Metro Manila.
Ayon sa Earth Day Network Philippines, dahil sa nabawasan ang aktibidad ng mga tao sa araw-araw dahil sa implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ), nagkaroon ito ng magandang epekto sa kalikasan at kapaligiran sa rehiyon.
Makikita anila rito ang epekto ng pang-aabuso at kawalan ng pagpapahalaga ng tao sa kalikasan.
Dahil sa ECQ, naging limitado ang kilos ng mga tao kung saan sinasabing nakahinga ang kalikasan mula rito kaya naman nagpakita ito ng malaking pagbabago gaya na lamang ng pagganda ng kalidad ng hangin.