Positibo si Senate Committee on Climate Change Chairperson Loren Legarda na malalagpasan ng mga lalahok sa earth hour ngayong taon ang matitipid na kuryente dahil sa sabayang pagpatay ng ilaw.
Ayon kay Legarda, malaking bagay na aniya ang isang oras na pagpatay ng mga electrical facilities para makatulong sa pansamantalang paghinga ng daigdig mula sa carbon emmissions.
Magugunitang noong isang taon, aabot sa 165 megawatts ng kuryente ang natipid ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines dahil sa earth hour.
Kasunod nito, hinikayat din ni Legarda ang mga gumagamit ng coal o carbon na lumipat na sa renewable energy tulad ng solar, wind at hydro maging sa iba pang natural power sources