Handa na ang iba’t ibang bansa para sa Earth Hour o ang isang oras na pgpapatay ng ilaw sa loob ng isang oras na gaganapin mamayang alas otso y medya ng gabi.
Layon ng taunang aktibidad na ito sa buong mundo na hikayatin ang bawat isa na bawasan ang konsumo sa enerhiya at palawigin ang kamalayan ng lahat sa unti-onting pagkasira ng mundo.
Kabilang sa mga inaasahang masisilayan ng mundo ang sabay sabay na pagpapatay ng ilaw sa mga sikat na tourist destination gaya ng Sydney Opera House sa Australia, Eiffel Tower sa Paris, Big Ben sa London, Empire State Building sa New York at iba pa.
Kasabay nito, nanawagan naman si United Nations Secretary General Antonio Guterres sa mga lider ng iba’t ibang bansa na magkaroon ng konkreto at makatotohanang plano para sa pangangalaga ng kalikasan.