Asahan na ang masikip na daloy ng trapiko sa malaking bahagi ng Quezon City mula alas-2:00 hanggang alas-5:00 mamayang hapon.
Ayon sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill Incident Management Team, ipahihinto ang daloy ng trapiko sa pagsisimula ng earthquake drill dakong alas-2:00 ng hapon.
Bahagi ito ng Oplan Metro Yakal ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council at contingency plan para sa inaasahang paggalaw ng west valley fault.
Ang lahat ng tao sa Quezon City Hall at mga tanggapan ng pamahalaan sa Elliptical Road ay palalabasin at dadalhin sa Quezon Memorial Circle.
Kasabay rin ito ng evacuation drill sa Eastwood City at mga komunidad sa Libis na isa sa mga sinasabing nakapatong sa west valley fault.
—-