Tuloy ang isasagawang simultaneous earthquake drill sa buong bansa sa Huwebes, June 21.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas, umulan man o umaraw ay tuloy ang gagawing 2nd quarter simultaneous earthquake drill.
Aniya, mas makatotohanang gawin ang drill kapag umuulan dahil malaki ang posibilidad na mangyari din ito sa totoong buhay lalo’t wala namang maaring mag –predict ng lindol.
Pasisimulan ang naturang drill sa Barangay Sta. Ana sa San Mateo, Rizal ng 2:00 ng hapon