Nilagdaan na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang ordinansang nag-oobliga sa lahat ng establishments na magsagawa ng kani-kanilang earthquake drill dalawang beses kada taon.
Batay sa Mandatory Earthquake Drill Ordinance of Quezon City inuutusan ang lahat ng mga may-ari at manager ng establishments sa lungsod na magkasa ng earthquake drills kasama ang kanilang empleyado, estudyante, tenant at mga occupant.
Tinukoy din sa ordinance na isinulong ni Councilor Allan Reyes ang 13 barangay sa Quezon City na ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ay apektado ng West Valley Fault.
Ang unang drill ay dapat isagawa sa March 1 at ang ikalawang bahagi ng dapat ikasa tuwing third quarter ng taon.
—-