Nakatakda na ring ilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang metro shake drills sa iba’t ibang subdivision partikular ang mga nasa West Valley Fault.
Ito’y upang maranasan ng mga residente sa nabanggit na lugar ang simulated earthquake at bigyan ng ideya sa mga dapat na gawin sa oras na magkaroon ng kalamidad.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, prayoridad sa naturang aktibidad ang mga security officer upang mapabilis ang earthquake drill.
Nilinaw naman ni Tolentino na bagaman mayroon silang mobile earthquake house na gagamitin, hindi nila maaaring isagawa ng sabay-sabay ang drill kaya’t gagawin ito sa magkaka-ibang petsa at lugar.
By Drew Nacino