Naghahanda na ang East Avenue Medical Center sa Quezon City para sa posibleng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Dr. Alfonso Nuñez, dinagdagan na nila ang kanilang suplay ng oxygen tank at naglalagay na rin ng isang secondary system o “vacuum insulated evaporator” kung saan makakatiyak ng isa pang mapagkukunan ng suplay ng oxygen.
Tinaasan na rin aniya nila ang kanilang bed utilization rate na nasa 75 hanggang 80% mula sa dating 40 hanggang 50%.
Sinabi ni Nuñez na kanilang pinatatag ang kanilang human health resources sa pamamagitan ng pagpapanatili sa mga contractual nurse, contractual doctor at contractual admin support personnel.
Ipinabatid naman ni Nuñez na nakapagpadala na rin ang kanilang ospital ng “highly suspicious” COVID-19 patients at random virus patients sa Philippine Genome Center for sequencing.