Isinara na sa mga motorista ang eastbound lane ng Marcos bridge sa Marikina city simula kaninang ala-una ng madaling araw.
Ito ay upang magbigay daan sa pagsisimula ng rehabilitasyon ng nasabing tulay.
Kasabay nito, nagpadala na ng kanilang mga tauhan ang MMDA para magmando ng trapiko sa lugar.
Pinapayuhan namang ng MMDA ang mga motorista na pansamantala na munang gamitin ang mga inilatag nilang alternatibong ruta.
Anila, maaaring dumaan sa service road sa harapan ng SM Marikina ang mga motoristang patungong Cubao habang maaari namang gamitin ng mga magtutungong Antipolo ang west bound lane ng Marcos highway.
Tatagal ang pagsasara ng bahagi ng mMarcos bridge hanggang apat (4) na buwan.
30 minutong dagdag sa biyahe asahan na
Asahan na ang tatlumpong (30) minuto o higit pang dagdag na biyahe sa bahagi ng Marcos highway bridge sa Marikina.
Kasunod ito ng pagsasara ng eastbound lane ng nasabing tulay simula kaninang madaling araw para sa pagsasaayos nito na posibleng tumagal hanggang Setyembre.
Ayon sa MMDA, aabot sa 6,000 mga motorista ang kanilang inaasahang maapektuuhan ng pansamantalang pagsasara ng Marcos higway bridge.
Una nang itinakda noong Mayo 4 ang pagsisimula sana ng rehabilitasyon ng Marcos highway bridge pero ilang beses naantala dahil sa problema sa contractor ng proyekto.