Nabawi na ng Syrian Armed Forces ang pinakamalaking bayan sa Eastern Ghouta region mula sa kamay ng mga rebelde matapos ang halos isang buwang sagupaan at bombahan.
Hawak na ng militar ang bayan ng Misraba na nasa boundary lamang ng kabisera na Damascus habang pinalilibutan na rin ng mga tropa ng gobyerno ang karatig lungsod ng Douma.
Dahil dito, nahati sa tatlong lugar ang Eastern Ghouta sa kalagitnaan ng paglikas ng libu-libong sibilyan at pag-atras ng mga rebelde.
Umabot na sa mahigit 1,000 ang namamatay na karamiha’y sibilyan sa loob lamang ng tatlong linggo sa Eastern Ghouta na halos mabura na sa mapa bunsod ng literal na pag-ulan ng bomba mula sa Syrian at Russian Air Forces.
Samantala, pursigido naman ang Syrian forces na mabawi ng tuluyan ang naturang lugar sa lalong madaling panahon.