Nagpapasaklolo sa national government lalo na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Eastern Samar na lubhang nasalanta ng Bagyong Ambo.
Ayon kay Eastern Samar Governor Ben Evardone, ubos na ang kanilang supplies dahil halos dalawang buwan na rin silang nagbibigay ng ayuda dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Nahirapan rin anya silang abutin ang ilang mga lugar tulad ng San Policarpio kung saan lumapag ang bagyo, Maslog , Jipapad at Arteche dahil putol ang mga komunikasyon at natabunan ng mga putol na kahoy at gumuhong lupa ang mga daanan.
‘Yung pagkain, kung pwedeng matulungan kami matawagan ang DSWD Central. Ang relief goods, sa totoo lang, depleted na kami lahat. Kasi nakaka-ilan nang nakakapamigay ng relief goods sa mga barangay, sa mga munisipyo, dahil sa COVID,” ani Evardone. —sa panayam ng Ratsada Balita