Niyanig ng 4.0 magnitude na lindol ang Eastern Samar kaninang alas-3:44 ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakita ang sentro ng pagyanig sa layong 56 na kilometro hilagang silangan ng bayan ng San Policarpio.
May lalim itong 5 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang napaulat na anumang pinsala ang naidulot ng pagyanig.
—-