Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Eastern Samar kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa layong dalawang kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Salcedo.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na labing pitong (17) kilometro.
Nitong tanghali nasundan ito ng magkasunod na 2.1 at 2.3 magnitude na lindol.