Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Eastern Samar.
Ayon sa Phivolcs, natunton ang sentro nito sa layong 17 kilometro sa timog kanluran ng bayan ng Maydolong.
Sinasabing ‘tectonic’ ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 32 kilometro.
Wala namang iniulat na danyos at wala ring inaasahang aftershocks sa naturang pagyanig.