Inalerto na ng Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) ang lahat ng kanilang military units kasunod ng pagtama ng magkakasunod na lindol sa Mindanao noong nakaraang linggo.
Pinakikilos na rin ng EASTMINCOM ang lahat ng kanilang disaster response group para tumulong sa mga local Disaster Risk Reduction Management Council (DRRMC) ng mga matinding naapektuhang lugar.
Sa ipinalabas na pahayag ni EASTMINCOM commander Lt. General Felimon Santos Jr., kanyang inaatasan ang Philippine Navy, Air Force, Army, at mga military engineers na makibahagi sa pagbibigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng lindol.
Gayunman, pinaalalahanan ni Santos ang buong EASTMINCOM na manatili pa ring mahigpit na nakabantay para matiyak na hindi malusutan ng mga teroristang magsasamantala sa sitwasyon sa Mindanao.