Pinadalhan ng summon ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang Executives ng GMA noontime variety show na “Eat Bulaga”.
Ito’y kasunod ng umano’y insensitive remarks ni Senador Vicente “tito” Sotto III sa kanilang programa noong Hulyo 9.
Iginiit ni MTRCB Chairman Eugenio Villareal na ang binitiwang pahayag ni Sotto sa babaeng winner ng juan for all, all for juan segment ng Eat Bulaga ay insensitive sa panig ng kababaihan.
Itinakda ang conference sa July 21, alas-8:30 ng umaga sa MTRCB office sa Quezon City.
By: Meann Tanbio