Walang pinagkaiba ang mga ebidensya ng mga naunang batch ng pork barrel cases sa third batch na hindi pa naisasampa ng Department of Justice (DOJ) sa Ombudsman.
Ito ang binigyang diin sa DWIZ ni Atty. Levito Baligod sa gitna ng pagkakabitin ng paghahain ng kaso laban sa ikatlong batch ng mga opisyal na isinasangkot sa pork barrel fund scam.
Giit ni Baligod, nakapagtataka kung bakit sinasabi ni Justice Sec. Leila de Lima na hindi pa sapat ang ebidensya gayung matagal na itong nakumpleto.
“Hindi ko po alam kung bakit kumpleto na yung ebidensiya noon pero sinasabi nila ngayon na may pagkukulang pa, nandoon po ako, kasama po ako sa pag-build up ng mga kaso na ito, kasama po ako sa nangalap ng mga ebidensiya, yung quality of evidence gathered against the 3 senators ay kapareho lang nitong 3rd batch eh.” Pahayag ni Baligod.
By Jelbert Perdez | Karambola