Kampante ang Metro Manila Development Authority o MMDA sa dami ng ebidensya para ipawalang-bisa ang lisensya ng actress-beauty queen Maria Isabel Lopez.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, sapat na ang kuha ng mga CCTV ng MMDA sa insidente kung saan pinasok ni Lopez ang ASEAN lane sa EDSA.
Idagdag pa aniya rito ang pag-amin mismo ni Lopez sa kanyang ginawa sa pamamagitan ng kanyang post sa social media.
Kasabay nito ay itinanggi ni Pialago na pinuntirya lamang nila si Lopez dahil marami rin naman silang violators na nahuli.
“Even before nung kay Ms. Isabel Lopez kapag may dumadaan doon na hindi bukas ang ASEAN lane, tine-tekitan po natin sila palabas, hindi po natin sini-single out si Ms. Isabel Lopez, siya po ang nag-single out sa sarili niya, siya po ang nag-post sa social media, siya ang nag-challenge sa gobyerno, and the government must act on it, eh pasensya na po siya lang ang nag-upload, at mga video naman natin from our CCTV cameras ay hindi naman po nagsisinungaling.” Pahayag ni Pialago
(Ratsada Balita Interview)