Tumanggi muna ang Malakaniyang na isapubliko ang mga dokumento at ebidensya na magdiriin sa Limang pinangalanang Heneral na sangkot sa operasyon ng iligal na droga
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, may tamang panahon para ilabas ang mga nasabing ebidensya at hindi ito kinakailangang madaliin
Maliban dito, sinabi ni Andanar na posibleng maka-apekto sa ginagawang imbestigasyon ng pulisya kung ilalabas ang mga ebidensya laban sa mga naturang heneral
Hindi rin ini-aalis ng palasyo ang posibilidad na maunahan ng mga isinasangkot na heneral kung paano kokontrahin ang mga akusasyon laban sa kanila
Nahaharap sa kasong kriminal sina Retired Generals Marcelo Garbo at Vicente Loot habang kriminal at administratibo naman ang kahaharapin nila Joel Pagdilao, Bernardo Diaz at Eduardo Tinio
By: Jaymark Dagala