Ilalabas ng Malacañang ang mga ebidensya laban sa 5 heneral na pinangalanan ng Pangulong Rodrigo Duterte
Ito’y ayon kay Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo ay sa sandaling maisampa na ang kaso laban sa mga inaakusahang dati at kasalukuyang mga heneral ng pulisya
Aniya, bentahe ito para sa mga abugado ng Limang heneral dahil sa mabibigyan sila ng pagkakataon na mapag-aralan ang kaso gayundin ang kanilang gagamiting depensa sa korte
Sa kasalukuyan, sinabi ni Panelo na nasa proseso pa lamang ang National Police Commission o NAPOLCOM sa kanilang imbestigasyon at isusunod ang pagsasampa ng kaso sa sandaling matapos na iyon
By: Jaymark Dagala