Senyales umanong mahina ang mga ebidensya sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang panawagan ng Palasyo na magbitiw na lamang sa pwesto ang punong mahistrado.
Ito ang inihayag ni Senador Antonio Trillanes makaraang ihirit ni Presidential Spokesman Harry Roque ang resignation ni Sereno upang maiwasan ang labis na pinsala sa hudikatura.
Ayon kay Trillanes, kung talagang malakas ang kaso laban sa chief justice ay dapat itong ituloy upang ma-i-akyat sa Senado at hayaan ang mga Senador na magdesisyon.
Para sa Senador, hindi tamang manawagan ang tagapagsalita ng Palasyo ng pagbibitiw sa tungkulin ni Sereno.
Samantala, napaka-hirap din anya ng trabaho at sitwasyon ni Roque bilang spokesman dahil wala sa ayos ang Pangulo kaya’t tangi niyang masasabi sa palace official ay “goodluck.”