Sa korte at piskalya na lamang ilatag ang mga ebidensya kaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Ito, ayon sa mga otoridad, ay kaysa isapubliko o ipost sa social media ang autopsy report, CCTV footages at ilang screen grab ng pag-uusap hinggil sa sinapit ni Dacera.
Kasunod na rin ito nang pag-ulan ng mga komentaryo ng social media users at ilang personalidad ang nadadamay na wala naman sa crime scene habang nababatikos pa ang mismong biktima.
Una nang itinakda ng Makati City Prosecutor’s Office ang preliminary investigation sa nasabing kaso sa ika-13 ng Enero.