May ebidensya umano si Senator Juan Ponce Enrile na magpapatunay na sangkot si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa pagpaplano ng Oplan Exodus na nagresulta sa pag-masaker sa 44 miyembro ng Special Action Force (SAF).
Sinabi ni Enrile na ang ebidensya ay tungkol sa aktibo at direktang partisipasyon ni PNoy sa pagpaplano at preparasyon ng Oplan Exodus.
Ayon pa kay Enrile, minonitor din umano ni Aquino ang kaganapan noong Enero 25, ang araw ng aktuwal na operasyon.
By Mariboy Ysibido