Naniniwala ang liderato ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na hindi sapat ang mga ebidensyang lumutang na ginahasa ang babaeng flight attendant na si Christine Dacera bago ito mawalan ng buhay.
Ayon kay Police Brigadier General Vicente Danao Jr., acting director ng NCRPO, hindi talaga siya kumbinsido sa naturang dahilan.
Ito’y dahil hilaw pa anito ang mga ebidensya para i-file ng mga kapulisan na isa itong ng ‘rape case’.
Kung kaya’t, ani Danao, mas pinaiigting pa ng mga kapulisan ang ginagawa nitong malalimang imbestigasyon para malaman ang tunay na dahilan sa pagkamatay ni Dacera.