Naitala ngayon ang unang linggo sa 3 West African Countries na walang bagong kaso ng Ebola virus magmula nang magsimula ang outbreak nito noong Marso ng nakaraang taon.
Pinakahuling kaso na naitala sa bansang Guinea ay noon pang September 27.
Nai-release naman na ng Sierra Leone ang pinakahuling pasyente nila na nagka-ebola buong September 28 at hinihintay na lamang na maideklara itong Ebola virus free.
Habang ang Liberia naman ay 42 araw nang walang naitatalang kaso ng Ebola.
Batay sa tala ng World Health Organization, aabot sa 11 katao sa Guinea, Liberia at Sierra Leonne ang nasawi dahil sa Ebola.
Gayunman, pagsapit ng 2015, malaki ang ibinaba ng kaso ng ebola virus sa naturang mga bansa.
Pero babala ng WHO, maaari pa ring muling kumalat ang naturang sakit.
By: Ralph Obina