Muling idineklara ang outbreak ng ebola virus sa bansang Congo.
Kinumpirma ng Ministry of Health na 26 na ang naitalang kaso kung saan 20 na ang namatay partikular sa lungsod ng Beni.
Sinimulan na rin ng World Health Organization o WHO ang pagde-deploy ng mga personnel at supplies sa mga apektadong lugar upang ma-control ang pagkalat ng sakit.
Mayo pa nang magsimulang dumami muli ang mga nagkakasakit ng ebola sa Congo.
—-