Hindi na maituturing na international health emergency ang ebola outbreak sa West Africa.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Chief Margaret Chan, opisyal nang tinapos ang emergency na unang idineklara noong August 2014.
Binigyang diin ni Chan na mababa na ang risk na kumalat pa ang ebola virus sa iba pang bansa dahil sa ngayon aniya ay kaya nang tugunan agad ang mga bagong kaso nito sa West Africa.
Nanawagan din si Chan sa komunidad na patuloy na tumulong para sa mabilis na pag-responde sakaling kailanganin sa hinaharap.
Matatandaang nakapagtala ng 11,300 na kaso ng nasawi sa ebola noong December 2013 sa Guinea, Liberia at Sierra Leone na itinuturing na ‘deadliest-ever’ outbreak.
Photo Credit: Salvatore Di Nolfi/EPA