Nasa outbreak stage na ang ebola reston virus sa bansa.
Kinumpirma ito ni Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin bagamat nananatili pa rin sa mga unggoy ang naturang virus.
Sinabi ni Garin na naitala ang naturang virus sa 3 lugar na hindi muna tinukoy ng DOH.
Gayunman, nilinaw ni Garin na hindi nila ito itinuturing na krisis subalit mahigpit ang kanilang monitoring dito.
By Judith Larino