Papayagan nang magparehistro ang mga self-employed na miyembro ng SSS sa Employee’s Compensation (EC) program matapos lagdaan ni SSS President and CEO Aurora Ignacio ang Joint Memorandum Circular na nagpapalawak sa polisiya sa coverage ng EC Program.
Simula Setyembre ang reference number para sa paghuhulog ng kontribusyon ng mga Self-Employed ay papasok na sa EC contributions, para naman sa mga nakapagbayad na ng paunang kontribusyon sila ay papadalhan ng email para sa paghuhulog sa EC sakop ang buwan ng Setyembre hanggang sa abot ng coverage ng advanced payment ng naturang miyembro.
Sa ngayon tinatayang P10 kada buwan ang hulog ng isang manggagawang may sahod na mas mababa sa P15,000 and P30 kada buwan naman ang hulog para sa may buwanang sahod na P15,000 pataas.
Samantala, ikinatuwa naman ni Labor Secretary Silvestre Bello ang bagong programang ito ng Employees’ Compensation Commission at SSS para sa mga manggagawa.—sa panulat ni Agustina Nolasco