Kinansela ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ECC o Environmental Compliance Certificates ng anim (6) na kumpanya dahil sa kabiguang i-renew ito.
Ayon kay DENR Undersecretary for Legal Affairs Atty. Ipat Luna, expired na ang mga naturang ECC’s bago pa man makansela ang mga ito kayat hanggang hindi sila magpa-file ng application, hindi sila mabibigyan ng bagong ECC.
Kabilang sa mga kinansela ang ECC sa Mindoro Nickel Project, Cebu Coal Mining Project at Parañaque, Las Piñas Coastal Bay Project and Land Reclamation.
By Judith Larino