Plano ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na kanselahin ang environmental compliance certificate o ECC ng lahat ng may-ari ng establisyemento sa isla ng Boracay.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, layon ng naturang hakbang na masigurong susunod sa environmental law ang lahat ng mga establishment owners sa muling pagbubukas ng isla sa Oktubre.
Giit ni Cimatu, kailangan munang kumuha ng mga ito ng business permit mula sa local government unit ng malay at accreditation mula sa Department of Tourism o DOT maliban pa sa bagong iisyung ECC.
Balak ng DENR na ianunsyo ang bagong patakaran sa gaganaping Boracay stakeholders meeting sa susunod na linggo.
—-