Sinupalpal ng mga mining company ang pagiging bias ni Environment Secretary Gina Lopez sa kumpanyang pag-aari ng kanyang pamilya.
Ayon sa Chamber of Mines of the Philippines, binigyan ni Lopez ng environmental compliance certificate (ECC) ang kanilang family-owned company upang makapag-operate ng geothermal power plant sa kabundukan ng Kananga, Leyte, noong Enero sa kabila ng pagpapatigil sa operasyon ng mga ka-kumpetensyang kumpanya ng mga negosyo ng pamilya Lopez.
Enero 18, binigyan ng Environmental Management Bureau ng go-signal ang Lopez-owned Green Core Geothermal Incorporated ng ECC upang itayo ang Tongonan Geothermal Power Project sa Barangay Lim-ao.
Ang naturang planta kasama ang 138-kilovolt substation ay inaasahang makapag-poproduce ng 123 megawatts.
Dahil dito, nanganganib na namang maunsyami ang confirmation ng kalihim sa Commission on Appointments (CA) sa Miyerkules.
By Drew Nacino
Photo Credit: DENR