Inalis na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang suspensyon ng Environment Compliance Certificate (ECC) sa lahat ng establishment sa Boracay.
Gayunman, sinabi ni Atty. Richard Fabila, pinuno ng Community Environment and Natural Resources Office na patuloy pa ang kanilang monitoring sa mga gusali at environmental management plans.
Titiyakin aniya nilang nasusunod ang environmental law ng mga nasabing establishment na pinatawan ng certificate of non-coverage.
Maggunitang inihayag ng Department of Tourism (DOT) ang pagbubukas muli ng Boracay sa Oktubre 26.